PNP ranking officials mass resignation suportado ng NCR mayors

PNP ranking officials mass resignation suportado ng NCR mayors

January 6, 2023 @ 8:58 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Suportado ng Metro Manila Council (MMC) ang panawagan ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. na courtesy resignation ng mga heneral at koronel ng Philippine National Police (PNP) para malinis ang kanilang hanay.

Ang MMC ay binubuo ng mga alkalde sa National Capital Region at ang policy-making body ng MMDA.

Dagdag pa ng MMC, dapat na agad maghain ng resignation ang mga colonel at heneral ng PNP “bilang isang manipestasyon ng kanilang propesyonalismo at pagkamakabayan” at upang “ireserba at protektahan ang kredibilidad ng organisasyon ng pulisya at alisin ang anuman at lahat ng mga pagdududa sa pampublikong reputasyon at katayuan nito. ”

Ang resolusyon ng MMDA na ito ay inaprubahan at pinagtibay noong Enero 4, ngunit, sinabi ni MMC president at San Juan City Mayor Francis Zamora na hindi pa lahat ng alkalde ay pumirma rito. RNT