PNP: Rape, homicide complaint ikinasa vs 2 suspek sa pagkamatay ni Jovelyn Galleno

PNP: Rape, homicide complaint ikinasa vs 2 suspek sa pagkamatay ni Jovelyn Galleno

August 31, 2022 @ 6:40 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Naghain ng reklamo nitong Miyerkules ng umaga laban sa mga suspek sa pagkamatay ng 22-anyos na si Jovelyn Galleno sa Palawan, ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Police General Rodolfo Azurin Jr. said.

“Kung makikita ninyo ‘yung rape with homicide, ‘yung nangyari sa Palawan kay Miss Jovelyn, this morning we just filed a case [complaint] against the perpetrators,” ani Azurin sa Palace briefing.

Ito ang naging pahayag niya nang iprisinta ang record ng PNP sa mga pagpatay at pandurukot sa ilalim ng imbestigasyon ng PNP.

Sinabi naman ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na naghain ng kasong rape at homicide laban sa mga pinsan ng biktima na sina Leobert Dasmariñas at Jovert Valdestamon.

Ikinasa ito sa Puerto Princesa City Prosecutor’s Office.

Kinumpirma ng mga pulis nitong Martes na batay sa DNA test, ang kalansay na natagpuan sa Puerto Princesa City ay tumugma kay Galleno.

Sinabi ni Puerto Princesa Police spokesperson Police Captain Maria Victoria Iquin na isinagawa ang DNA examination sa kalansay at swab sampleng ina ni Galleno na nagpakita ng 99.9% match.

Nadiskubre ang kalansay sa Barangay Santa Lourdes nitong Agosto 23, ilang araw matapos maiulat na nawawala si Galleno noong Agosto 5.

Kasamang natagpuan sa mga labi ni Galleno ang identification card, bag, at iba pang gamit ng biktima.

Inamin ng pinsan ni Galleno na si Dasmariñas, na hinalay at pinatay ang biktima, ayon sa local police.Si Dasmariñas ang nagsabi sa mga awtoridad ng lokasyon ng mga labi ni Galleno.

Ayon sa mga pulis, nadiskubre ang umano’y labi ng biktima matapos mag-away ang mga suspek na nauwi sa saksakan.

Sinabi ng mga awtoridad na si leobert ang nagturo ng lokasyon ng bangkay. RNT