PNP Region 7 kakalampagin ang mga chismosa sa contact tracing

PNP Region 7 kakalampagin ang mga chismosa sa contact tracing

July 23, 2020 @ 9:16 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ng Philippine National Police (PNP) Region 7 na humingi ng tulong sa mga tsimosa para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) contact tracing.

Sa ulat, sinabi ni Pro-7 Director Albert Ignatius Ferro na sa halip maging daan sila sa paninira, gamitin na lamang sila sa contact tracing upang makakalap pa ng impormasyon.

Lahad ni Ferro, kailangan ng pamahalaan ang publiko upang hindi na kumalat pa ang virus.

Problema aniya ito ng buong bansa at hindi lamang ng gobyerno. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...