PNP sa ICC: Justice system ng bansa respetuhin

PNP sa ICC: Justice system ng bansa respetuhin

January 30, 2023 @ 1:13 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Dapat respetuhin ng International Criminal Court (ICC) ang soberanya at justice system ng bansa.

Ito ang iginiit ng Philippine National Police (PNP) ngayong Lunes, Enero 30 makaraang payagan na ng ICC ang pagbubukas ng imbestigasyon sa war on drugs ng bansa.

“The PNP encourages the ICC to respect the Philippines’ sovereignty and acknowledge the capacity of the Philippines’ judicial system,” sinabi ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. sa press briefing.

Ani Azurin, umiiral ang justice system sa bansa kasama ang aktibong mga legal proceedings upang tugunan ang reklamo ng mga pang-aabuso sa karapatang pantao kaugnay ng anti-drug campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“The various domestic initiatives and proceedings, assessed collectively, do not amount to tangible, concrete and progressive investigative steps,” ayon sa ICC.

Nauna nang itinanggi ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi niya pinoprotektahan si Duterte mula sa ICC drug war probe.

Sa kabila nito, sinabi niya na hindi katanggap-tanggap ang naging desisyon ng ICC. RNT/JGC