PNP sa mga magulang: Unvaxxed minors ‘wag dalhin sa pampublikong lugar

PNP sa mga magulang: Unvaxxed minors ‘wag dalhin sa pampublikong lugar

January 24, 2022 @ 5:27 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa lahat ng magulang na huwag isama sa mga pampublikong lugar ang mga batang hindi bakunado laban sa COVID.

Ito ang iginiit ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos makaraang ilang pulis ang nahihirapang makipagnegosasyon sa mga magulang ng hindi bakunado laban sa COVID habang nasa pampublikong lugar.

“It has been a challenge among our police personnel who are conducting regular monitoring of public places. We see children along with their parents or guardians, blending with people in crowded places.”

“We respect the decision of parents to bring their children outside their homes when attending to essential activities, but adhering to the minimum public health standard should be paramount for the safety of children,” dagdag pa nito.

Samantala, nirerespeto aniya ang desisyon ng Local Government Units na pagbawalan ang mga bata sa ilang establisimyento. RNT/FGDC