PNP sa publiko: Alamin din ang COVID protocols ng LGU

PNP sa publiko: Alamin din ang COVID protocols ng LGU

June 2, 2021 @ 5:30 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na alamin din ang kasalukuyang patakaran ng kani-kanilang lokal na pamahalaan para sa mga biyahero.

“It’s really better to check first before going to the travel destination because there are local governments units which decided to keep the strict restrictions to protect their people. in most cases, they have their own websites or social media accounts to check from,” ani PNP chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar.

Pinayo rin ng PNP chief na patuloy na sumunod sa minimum public health safety standards at huwag magpakampante sa pagpapaluwag ng pagbibiyahe.

Patuloy din aniya na ipatutupad ng pulisya ang alituntuni n ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Pinayagan na ng pamahalaan ang pagbiyahe mula NCR Plus patungong mga lugar na nasa general community quarantine upang maibangon ang ekonomiya ng bansa. RNT/ELM