PNP sanib-pwersa sa Comelec sa pagtanggal sa campaign materials

PNP sanib-pwersa sa Comelec sa pagtanggal sa campaign materials

December 6, 2021 @ 12:40 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Makikipagtulungan ang Philippine National Police (PNP) sa Commission on Elections (Comelec) upang tanggalin ang campaign materials batay sa utos ng public officials o isang kandidato.

Sa isang statement, sinabi ni PNP chief General Dionardo Carlos na sisiguruhin ng PNP na magiging patas sila sa pag-alis ng mga election-related material.

“If there is a go signal from the COMELEC and the DILG, then we will assist in the removal of these materials,” sinabi ni Carlos.

“We just wanted to maintain our neutrality, so in every crucial action there must have the authority of the COMELEC,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Carlos ang naturang pahayag makaraan na hilingin ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pagpapatanggal sa election-related materials na nakalagay sa mga public property.

Naglaan naman ng pamantayan sa paglalagay ng campaign materials ang Comelec na siyang susundin ng PNP.

“One thing is for sure, we won’t allow these campaign materials to be posted on police stations and offices. The PNP will immediately order the removal of such.” RNT