PNP spokesperson Alba positibo sa COVID-19

PNP spokesperson Alba positibo sa COVID-19

January 11, 2022 @ 4:32 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Nagpositibo si Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Colonel Roderick Alba sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon sa kanya, lumabas ang resulta ng kanyang COVID test, Lunes ng umaga. “I tested positive for COVID-19, report from the Health Service just came out now.”

Aniya pa, nakararanas siya ng flu symptoms, dry cough, runny nose at plema, at pananakit ng katawan. Sinabi ni Alba na isasailalim siya sa quarantine sa Kiangan Emergency and Treatment Facility sa Camp Crame.

“I am now focusing on my immediate recovery,” ani Alba.

Noong isang linggo, kinumpirma ni PNP chief Police General Dionardo Carlos na nasapul siya ng COVID-19. RNT/SA