PNP stations sa buong bansa, naka-full alert na!

PNP stations sa buong bansa, naka-full alert na!

May 6, 2022 @ 8:42 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) na naka-full alert na ang lahat ng istasyon nito bilang bahagi ng pagsisikap na matiyak na matiwasay at payapa ang May 9 national and local elections (NLEs).

“We are all systems go. We have placed all police stations nationwide on full alert status,” ayon kay PNP chief Gen. Dionardo Carlos sa isang kalatas.

Bilang bahagi ng kanilang election security preparations, sabay-sabay na binuksan ng PNP “National Election Monitoring and Action Center” (NEMAC), at Regional Election Monitoring and Action Centers (REMACs).

Sinabi ni Carlos na ang NEMAC at REMACs ay magsisilbi bilang “mga mata at tainga” ng PNP Security Task Force NLE 2022 na magbibigay ng updated report sa lahat ng insidente na may kinalaman sa eleksyon at security activities na ginagawa ng kapulisan.

Ang mga standby forces at quick reaction teams ay naka-stationed ng 24-hour basis sa command posts ng kani-kanilang headquarters.

“We will stand strong, we will finish strong and we will perform professionally for peaceful elections. The 225,000 strong men and women of the PNP are with the Comelec (Commission on Elections) to make sure that we guard the votes of our Filipino nation. That is a commitment. And to the Filipino people, your PNP will be there in all polling centers and polling precincts to make sure that your votes will be counted,” ayon kay Carlos.

Samantala, sinabi naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na handa na rin sila na tiyaking secure ang halalan kasama ang kanilang police counterparts sa araw ng halalan.

“The AFP is prepared, we are ready, we have done the planning, we have done the organization, and we have set up our monitoring command centers. We are declaring ‘red alert’ by Friday so that we ensure that all AFP personnel across the country are accounted for by their commanders and ready for the election on Monday,” ayon kay AFP chief Gen. Andres Centino.

Tiniyak din nito sa publiko na ang AFP ay malakas at may kakayahan na gampanan ang kanilang mandato na i-secure ang May 9 elections. Kris Jose