PNP TULOY SA PAGPAPATUPAD NG COVID PROTOCOL SA MM

PNP TULOY SA PAGPAPATUPAD NG COVID PROTOCOL SA MM

October 15, 2021 @ 7:25 PM 1 month ago


TINIYAK ng Philippine National Police na itutuloy pa rin nila ang mahigpit na pagpapatupad ng COVID-19 protocol kahit pa maibaba ang Alert Level sa Metro Manila.

Ayon kay PNP chief P/Gen. Guillermo Eleazar, tututok ang pulisya sa pagtotoka ng mga tauhan sa mga lugar at establishment na papayagang magbukas para tiyaking sumsunod sila sa Health Protocol.

Nauna nang ipinahayag ng Malakanyang na mataas ang tsansang maisailalim ang NCR sa mas mababang Alert Level dahil sa bumubuti na ang sitwasyon ng COVID-19 dito.

At kahapon nga, kung walang laban-bawi, ang Metro Manila ngayong Biyernes, October 15, 2021 ay ilalagay na sa Alert Level 3.

Magkagayunman, mahigpit na pinaaalalahanan pa rin ng PNP ang mga kababayan natin na sumunod pa rin sa COVID-19 protocol. .

Sinabi pa ni Gen. Eleazar na kapakanan at sentimyento ng ating mga kababayan ang lagi nilang pinag-uukulan ng pansin kaya nagkaroon ng mga pagluluwag sa pagpapatupad ng mga alintuntunin.

Sa ngayon, ang maipapayo lang natin sa ating mga kababayan ay sumunod pa rin tayo sa gagawing mahigpit na pagpapatupad ng PNP ng COVID-19 protocol kahit sabihin pa natin na naibaba na ito sa Alert Level ang NCR.

Aba’y hinde porke nakikita na nating medyo kalmante na ang sitwasyon sa virus ay magpapabaya na tayo.

Kailangan pa rin natin na sumunod sa COVID-19 protocol upang tuluyan na nating masugpo ang pandemya lalo pa’t magpa-Pasko.

Siguro naman, gets na ninyo ang naranasan nating hirap na sinapit natin.

Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com o juandesaabog4*@gamil.com.