PNP wala pang natatanggap na reklamo vs online bank hacking

PNP wala pang natatanggap na reklamo vs online bank hacking

December 15, 2021 @ 3:20 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Wala pang natatanggap ang Philippine National Police (PNP) na reklamo mula sa mga depositor ng Banco de Oro na nawalan umano ng pera dahil sa online hacking.

Ayon kay Police Lt. Michelle Albino, direktor ng PNP Anti-Cybercrime Group, oras na makatanggap sila ng reklamo mula sa biktima ay agad silang magsasagawa ng imbestigasyon.

“The investigation would be done by BDO because that is a breach into their system. Unless there is a complaint or there is an order from our Chief PNP, we are very much willing to probe into the matter,” ani Albino.

Dagdag pa nito, ang mga malalaking kumpanya tulad ng BDO ay karaniwang may mga division na sumosolusyon sa kanilang problema.

Samantala, nagbigay naman na ng pahayag ang pamunuan ng BDO tungkol sa isyu.

 “BDO are continuously investing and working towards improving our security infrastructure to protect our clients’ money. While we have put back-end measures in place, we appreciate our clients’ continued vigilance to combat fraud.” RNT/FGDC