PNP walang namo-monitor na banta sa botohan bukas

PNP walang namo-monitor na banta sa botohan bukas

May 8, 2022 @ 8:28 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Walang namo-monitor ang Philippine National Police (PNP) na seryosong banta kaugnay ng idaraos na national at local elections bukas, May 9.

Sa kabila nito, sinabi ni PNP officer-in-charge Police Lieutenant General Vicente Danao Jr. na hindi sila maaaring magpakampante sa pagbabantay lalo na sa aspeto ng paghahanda nila sa seguridad sa araw ng halalan.

Giit ni Danao, ipamamalas ng PNP ang “full force of law” laban sa mga magtatangkang manabotahe sa botohan.

“The whole PNP is ready to secure the electoral process for the national and local elections,” ani Danao.

Nabatid na aabot sa 41,000 tauhan ng PNP ang nakatakdang ideploy sa mga checkpoint sa buong bansa ayon sa Department of the Interior and Local Government.

Bukod pa rito ang 16,820 uniformed personnel na na nakatakdang magsagawa ng election duties.

Kasabay nito, tiniyak ni Danao na magiging alerto sila sa mga posibleng sumbong mula ng mga tao.

“Further, PNP personnel will not be allowed to get inside the polling places on election day except in cases of emergency when the electoral board will seek their assistance,” dagdag niya. RNT/ JCM