PNPA cadet ‘pumasok sa CR’ nawalang parang bula!

PNPA cadet ‘pumasok sa CR’ nawalang parang bula!

July 11, 2022 @ 8:52 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines-  Iniimbestigahan na ng Philippine National Police Academy (PNPA) ang kaso ng pagkawala ng isa nilang bagong kadete sa Camp Castañeda sa Barangay Tartaria, Silang Cavite nitong Sabado ng hapon.

Miyembro ng Bachelor of Science in Public Safety (BSPS) 2026 ang hinahanap na kadete.

Nadisubre ito nang magsagawa ng bilangan ang PNPA sa kanilang formation dakong ala-1:00 ng hapon.

Sinabi ni Police Master Sgt. Johnny Dumangeng ng Silang Police Station, huling nakita ang kadete dakong alas-2:00 Sabado ng madaling araw na pumasok sa CR sa loob ng Camp Castaneda, Barangay Tartaria, Silang, Cavite.

Pero bago ang “pagkawala” ng kadete ay nagsumite umano ito ng kanyang resignation letter na inasistahan ng kanyang squad leader. RNT