PNR may special trips ngayong Undas!

PNR may special trips ngayong Undas!

November 1, 2022 @ 8:30 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philippine National Railways (PNR) na maglalaan sila ngayong Undas, Nobyembre 1 ng special trips sa kabila ng limitadong operasyon nito dahil sa epekto ng Severe Tropical Storm Paeng.

Ayon sa PNR, ang mga special trips ay para sa mga lugar na nasiguro na ng kanilang pamunuan na ligtas daanan ng tren.

“Humihingi po kami ng pang-unawa na hindi pa po maaaring manumbalik ang serbisyo sa lahat ng ruta at istasyon,” pahayag ng pamunuan para sa mga pasahero.

“Ang kaligtasan ng mga pasahero at publiko ang aming prayoridad,” dagdag pa nito.

Matatandaan na noong Linggo, Oktubre 30 ay kinansela ng PNR ang lahat ng kanilang byahe dahil sa maraming lugar ang nananatiling lubog sa tubig-baha.

Sa mga magtutungo ng sementeryo na kakailanganing sumakay ng tren, narito ang mga special, limited trips ng PNR ngayong Martes, Nobyembre 1:

TUTUBAN TO ALABANG – 5:36 AM; 6:36 AM; 7:06 AM; 8:06 AM; 9:06 AM; 10:06 AM; 11:06 AM

ALABANG TO TUTUBAN – 7:12 AM; 8:02 AM; 8:42 AM; 9:42 AM 10:32 AM; 11:32 AM

BINAÑ TO TUTUBAN – 5:25 AM

TUTUBAN TO GOV. PASCUAL – 4:11 AM
GOV. PASCUAL TO TUTUBAN – 9:52 PM
GOV. PASCUAL TO BICUTAN – 4:32 AM; 7:12 AM

BICUTAN TO GOV. PASCUAL – 5:50 AM ; 8:40 AM

NAGA TO SIPOCOT – 5:20 AM; 10:40 AM

SIPOCOT TO NAGA – 6:40 AM

Patuloy lamang na umantabay para sa pinakabagong impormasyon kaugnay sa byahe ng tren. RNT/JGC