Manila, Philippines – Nagkansela ng biyahe ang Philippine National Railways (PNR) ngayong umaga (July 17) dahil sa malakas na pag-ulan at pagbaha na dala ng bagyong Henry.
Sa twitter account ng PNR, sinabi ng PNR na maraming bahagi ng madadaanang lugar ay baha na at hindi na kayang daanan ng tren:
Magsaysay crossing (3″ NB& SB) as of 0745H, Paco stn (4″ SB, 5″ NB) as of 0750H, Dimasalang 3″ SB, 4″ NB as of 0745H.
Canceled trips going to Alabang:
PS 6:37
MSC 7:07
MSC 737
The location of stranded trains as of 7:30 AM are as follows:
Train bound to Tutuban
MSC 546 @ Alabang station
MSC 630 @ Sucat Station
MSC [email protected] Dela Rosa Station
MSC 530 @ Vito Cruz Station
Train bound to Alabang
MSC 507 @ Pandacan Station
Samantala, isinailalim naman ng PAGASA sa orange warning alert ang Metro Manila, Bulacan, Bataan at Batangas dahil sa posibleng pagbaha sa mga susunod na dalawang oras.
Ibig sabihin ng orange warning, magkakaroon ng 15-30mm ng malakas na pag-ulan na mararanasan sa susunod na isang oras na inaasahang magpapatuloy hanggang sa dalawang oras.
Ito ay inilabas alas 8:35 ng umagaa.
The alert was issued at 7:35 a.m.
Nasa yellow warning naman ang Rizal, Cavite, Pampanga at Zambales.
Nagpaalala ang PAGASa ng light to moderate hanggang sa malakas na pag-ulan ang mararanasan ng Laguna at Quezon na maaring magtagal hanggang tatlong oras.
“Expect light to moderate rains over Tarlac and Nueva Ecija for the next 1-2 hours,” sabi pa ng PAGASA.
Nauna rito, nagbabala na rin ang PAGASA na patuloy na uulanin ang malaging bahagi ng Luzon kabilang na ang Metro Manila habang papalayo na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Henry. (Remate News Team)