PNRI bukas sa nuclear talks ng US, PH

PNRI bukas sa nuclear talks ng US, PH

November 23, 2022 @ 9:36 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Malugod na tinanggap ni Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) director Carlo Arcilla ang civil nuclear cooperation talks sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Sa kabila nito, maaari pa rin na magkaroon ng kasunduan ang ating bansa sa iba pang mga bansa sa mundo.

Ayon kay Arcilla, tila napag-iwanan na kasi ng ibang bansa ang US sa pagtatayo ng mga bagong nuclear power plant.

“We should welcome the initiative of the US to start the 123 Agreement talks because there are many aspects of nuclear power and America has the most extensive experience because they have nearly 100 nuclear power plants operating over 60 years and they are relicensing them for another 20 years,” aniya.

Samantala, sinabi rin ng PNRI na ang China at South Korea ay may hindi matutumbasang rekord sa mabilis na pagpapatayo ng nuclear power plants.

“America will always be a good source but unfortunately in the past decade, they have been left behind because they have not really constructed brand new power plants…One thing that has happened is that the US has stopped building power plants that’s why tumanda na yung power plants nila,” dagdag ni Arcilla.

Ayon pa sa kanya, may maganda rin na track record ang France sa pagpapatakbo ng nuclear power plants.

“We can rely on France because of their experience in running their nuclear plants safely. Ang dami nilang nuclear plants, wala pa silang major accident awa ng Diyos,” sinabi ni Arcilla.

Ipinunto niya na ang US ay kasalukuyang gumagawa ng advanced small modular reactors o SMRs ngunit maaari itong abutin ng walong taon bago matapos.

Siniguro naman ni Energy Undersecretary Sharon Garin na maaaring makapagbigay-daan ang nuclear energy cooperation talks sa Pilipinas ng teknolohiya ng US ngunit hindi nito mapipigilan ang bansa sa pakikipag-ugnayan sa iba pang mga bansa.

“No, it won’t tie us up with the US. It will just give us access to US technology. Even with the 123 agreement, if we have another type of agreement with South Korea or Japan, then that is a different thing. We are open to all types of (nuclear) technology,” sinabi ni Garin. RNT/JGC