PNU pinuri ni VP Sara sa ambag nito sa PH education

PNU pinuri ni VP Sara sa ambag nito sa PH education

November 19, 2022 @ 11:15 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Pinasalamatan at pinuri ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte nitong Biyernes, Nobyembre 18 ang Philippine Normal University (PNU) sa ambag nito sa basic education system sa bansa.

Sa isang education conference na pinangunahan ng PNU at Commission on Higher Education, idiniin ni Duterte ang mga naitulong ng unibersidad sa pagbuo ng curriculum para sa K-12 program sa Pilipinas.

“Through your partnership with the CHED, you helped the Department of Education (DepEd) develop the Senior High School curriculum — producing teaching guides for core, Science, Technology, Engineering, and Mathematics or STEM and Accountancy, Business and Management, or ABM subjects,” sinabi ni Duterte sa kanyang speech kasabay ng International Conference on Quality Education in the New Normal sa Rizal Park, Manila.

Sinabi rin nito na hindi siya bulag sa walang-katapusang listahan ng mga suliranin na kinakaharap ng education sector lalo na noong siya rin ay nagsilbi noon bilang pinuno ng local school board sa Davao City.

Kabilang sa mga isyu na sinabi niya ay ang learning poverty sa bansa na una na ring ibinabala ng World Bank noong 2019 kung saan ang Pilipinas ay panghuli sa 79 bansa pagdating sa pagbabasa at math sa 2018 results ng Programme for International Student Assessment (PISA).

“Having an available budget or the lack of it is an essential factor in the failure or success of our efforts to address the problem of learning loss or sustain our gains or carry out reforms at DepEd,” dagdag pa niya.

Tanggap din umano ni Duterte na marami pang dapat ayusin sa education system ng bansa kasunod ng pagpapasalamat sa PNU sa tuloy-tuloy na pagbibigay ng maayos na pagtuturo at pagsasanay sa mga guro sa pamamagitan ng kanilang Research Center for Teacher Quality program (RCTQ).

“Through the research and technical work provided by PNU’s RCTQ to our legislators, we now have a national law that unifies approaches to enhancing teachers’ knowledge, skills, and practices across the country from the pre-service to the in-service stage,” aniya. RNT/JGC