‘Poblacion Girl,’ 8 iba pa kinasuhan na ng CIDG

‘Poblacion Girl,’ 8 iba pa kinasuhan na ng CIDG

January 5, 2022 @ 8:25 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Kinasuhan na ng  Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Makati Prosecutor’s Office ang balikbayan galing United States na hindi nag-quarantine at walong iba pang ibdibidwal.

Sa ulat, kasama sa inireklamo sina Gwyneth Chua, mga magulang nito, limang personnel ng hotel, at kanyang kasintahan sa paglabag sa IRR of RA 11332  o ang  Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Base sa CCTV footage, sinundo si Chua ng kanyang ama noong Disyembre 22 at bandang 9 p.m. na bumalik ng hotel noong Disyembre 25 sa tulong ng kanyang ina.

“Dapat nireport na po agad nila para macorrect natin agad para maquarantine si Ms. Gwyneth,” aniPolice Colonel Randy Silvio, hepe ng CIDG-National Capital Region.

Sinabing kasama rin dito ang kanyang kasintahan sa Mijo restaurant noong Disyembre 23.  .

“Nakapag extract po tayo ng CCTV with the help of our ACG personnel kaya nakita natin doon na magkasama sila. So meron pa rin siyang pagkukulang. Dapat alam niya si Ms. Gwyneth ay dapat naka quarantine kaya po sinama natin sa charge.”

Tinukoy naman ang iba pang kakasuhan na sina:

  • Gladiolyn Biala, manager

  • Den Sabayo, assistant resident manager

  • Tito Arboleda, security manager

  • Esteban Gatbonton, security/ doorman

  • Hannah Araneta, front desk

RNT/FGDC