Poblacion girl lumutang sa korte

Poblacion girl lumutang sa korte

February 15, 2022 @ 1:26 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Humarap sa korte si Gwyneth Chua para magsumite ng kanyang counter-affidavit sa kasong isinampa laban sa kanya bunsod ng paglabag nito sa quarantine protocol nitong Enero.

Matatandaang si Chua ay tinawag na ‘Poblacion Girl’ matapos na laktawan ang quarantine sa isang hotel at gumala pa sa mga bar sa Poblacion, Makati.

Kalaunan ay nadiskubreng nagpositibo siya sa COVID-19 at nakahawa pa ng mga nakasalamuha sa party.

Kasama ni Chua ang kanyang abogado sa pagaharap sa Makati City Prosecutor’s Office para sa preliminary investigation kaugnay ng reklamong inihain laban sa kanya para sa paglabag sa health protocol. RNT