Podium babakantehin ng Comelec sa 2022 poll bets na ‘di dadalo sa debate

Podium babakantehin ng Comelec sa 2022 poll bets na ‘di dadalo sa debate

January 26, 2022 @ 3:00 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Gagawing ‘big deal’ ng Commission on Elections (Comelec) ang pagliban ng isang kandidato ng 2022 elections isa mga debate, ayon kay spokesperson, James Jimenez.

Kahit hindi mandatoryo, iginiit ni Jimenez na babakantehin ang podium ng isang kandidato na liliban o hindi dadalo.

“If a candidate refuses to attend, their podium will remain empty,” ani Jimenez sa Kapihan sa Manila Bay.

“So we will make a big deal of the fact that they are not there. So, I guess for a campaigner that could be a huge motivation to actually attend so we are pretty confident that they will attend.”

Sinabi ng pamunuan na magsasagawa sila ng debate sa huling linggo ng Pebrero at magkakaroon din sa Marso at Abril.

“The thing is, our commissioners have expressed their desire to actually hold debates in Visayas and Mindanao as well. So we are seeing how we can do that.”

Nakatakda naman ang 2022 national at local election sa Mayo 9, 2022.  RNT/FGDC