Poe pabor sa paglilipat ng feeding program sa LGUs

Poe pabor sa paglilipat ng feeding program sa LGUs

October 24, 2022 @ 6:51 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinaburan ni Senador Grace Poe ang planong ilipat sa local government unis (LGUs) ang feeding program ng pamahalaan na kasalukuyang ipinatutupad ng Department of Education (DepEd) katulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa pahayag, sinabi ni Poe, pangunahing awtor ng Republic Act No. 11037 o ang Masustansyang Pagkain Para sa Batang Pilipino Act, na kapado ng LGUs partikular ang barangay workers sa kanilang komunidad na malaki ng maitutulong sa pagtutukoy ng benepisaryo.

“Ikinagagalak natin ang isinasawang pag-aaral ng Department of Education (depEd) sa implementasyon ng feeding program sa tulong ng LGUs,” ayon kay Poe.

Aniya, bilang pangunahing kumilos sa lugar, kabisado ng barangay workers ang kanilang komunidad na makatutulong sa epektibong pagtutukoy ng benepisaryo at distribusyon.

“Umaasa tayong maipagpapatuloy ang inklusibong konsultasyon sa mga stakeholders upang matiyak na maiimpluwensiyang programa,” ani Poe.

Sinabi ni Poe na pinakamahalagang tungkulin dit ay makapagbigay ng masustansiyang pagkain sa ating mag-aral nang walang humpay.

“Makapagbibigay ng hindi matatawarang pakinabang sa malusog na kinabukasan ang ating pamumuhunan sa nutrisyon ng kabataan,” ayon kay Poe. Ernie Reyes