Poe sa DOTr: Kakulangan ng beep card ipaliwanag

Poe sa DOTr: Kakulangan ng beep card ipaliwanag

December 1, 2022 @ 4:34 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Dapat ipaliwanag ng Department of Transportation (DOTr) skung bakit kulang ang beep cards, ayon kay Senator Grace Poe nitong Huwebes.

Ang beep card ay isang stored-value contactless card na ginagamit sa rail lines, select buses, at modern public utility vehicles.

Sa gitna ng kakulangan sa beep cards, ibinebenta ito sa online shopping platforms sa mas mataas na presyo na P188, kumpara sa orihinal na presyong P100 sa train stations.

“The Department of Transportation should explain the scarcity of beep cards that burdens our people using trains. The time spent lining up for every single-journey ticket is a moment wasted for our already weary commuters,” pahayag ni Poe, Senate Committee on Public Services chairperson.

“The department should also shed light on reports that many have resorted to buying the cards online at a steeper price,” patuloy niya.

Para kay Poe, ang kakulangan ng beep cards “is a step backward to our goal to digitalize our transportation payment scheme as a safer and more convenient mode.”

Naglaan ang pamahalaan ng bilyong piso para sa pag-develop at modernisasyon ng railways system ng bansa, ani Poe, at iginiit na dapat maranasan ng mga Pilipino ang “fruits of their hard-earned taxes.”

Sinabi ni Light Rail Transit Authority corporate secretary Hernando Cabrera na ang kakulangan sa beep cards ay dulot ng global chip scarcity.

Inihayag naman ng DOTr na binubusisi na nito ang ibang uri ng cashless payment, gaya ng quick response (QR) codes, debit cards, credit cards, at cellular phones, upang pagbutihin ang public transportation system ng bansa. RNT/SA