Poe sa DOTR, MIAA: Bumuo ng contingency plan sa stranded passengers!

Poe sa DOTR, MIAA: Bumuo ng contingency plan sa stranded passengers!

January 2, 2023 @ 1:52 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nanawagan si Senador Grace Poe sa Department of Transportation (DOTr) na kaagad lumikha ng contingency plans at tulungan ang stranded na pasahero na lubhang apektado sa pagkasira ng air navigation facilities sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa pahayag, sinabi ni Poe na ipinakikita ng pagkansela sa pagpasok at pagpalabas ng biyahe ng eroplano sa NAIA ang higit na pangangailangan na magkaroon ng mas marami pang contingency plans at kaagad na tulong sa naantalang pasahero.

“Hindi pwedeng nagkukumahog tayo kapag galit na galit na ang mga pasahero,” ayon kay Poe sa pahayag.

“Wala pang isang buwan nang magsalita ako tungkol sa lagay ng air transportation sa bansa but we’re now adding another problem to the list instead of striking them off,” giit pa niya.

Sinabi ni Poe na nahaharap ngayon ang transportation sector ng lumang problema na hindi nalutas hanggang ngayon.

“We were optimistic that the new year would spur change for the better, but it seems that our air transport’s new year’s resolution has been broken on the first day of the year,” aniya.

Sa harap ng kanyang pagpuri sa ginawa ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pagbibigay ng katiyakan na maibabalik nang paunti-unti ang operasyon at maitatakda ang normal na operasyon sa loob ng ilang oras, kailangan mayroon pa rin na tiyak na plano sa stranded na pasahero sakaling maibalik ang biyahe at ano ang susunod na pagkilos habang naghihintay na malutas ang isyung teknikal.

Aniya, dapat mapanatili din ang karapatan ng pasahero sa ilalim ng Air Passenger Bill of Rights.

“Dapat makatanggap sila ng anunsiyo mula sa mga airline na kanselado ang byahe nila, at kung umabot ng dalawang oras ang delay ay makatanggap sila ng pagkain at inumin habang naghihintay ng bagong schedule, ayon kay Poe.

“Dagdag pa dito, kung abutin ng tatlong oras ang delay ay maaari na silang ma-rebook o refund, o di kaya ay magpa-book sa ibang airline,” dagdag ng chairman ng Senate committee on public services.

Kasabay nito, nanawagan din si Poe sa lahat ng opisyal ng transportasyon at paliparan at lahat ng kompanya ng eroplano na bigyan ng sapat na tulong ang lahat ng pasahero upang matiyak na natutugunan ang kanilang kagalingan at mabawasan ang trauma na nararanasan ng pasahero sa gitna ng mga pagdiriwang.

“The DOTr and MIAA assured us that actions will be undertaken to prevent recurrence of the incident. We want to know what these actions were and how come it happened again?” aniya.

“Whatever caused the disruption in our radar services in NAIA, it demonstrates how wide-reaching the impact can be of the disruption in a single service,” giit pa ng senador.

“Hinihintay pa natin ang official report mula sa airport authorities pero dapat nating marinig sa kanila kung national security problem na ba ito,” paliwanag ng mambabatas.

“In an airport setting, the impact of such a system failure can be catastrophic,” aniya. Ernie Reyes