Poe sa lower tariffs rates extension: Halaga ng karne, bigas bumaba ba talaga?

Poe sa lower tariffs rates extension: Halaga ng karne, bigas bumaba ba talaga?

December 19, 2022 @ 7:20 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kahit nagalak sa ekstensiyon sa pagbaba ng singil sa taripa ng imported na pangunahing produkto tulad ng karne ng baboy at bigas, kinuwestiyon din ni Senador Grace Poe kung tunay talagang bumagsak ang presyo nito sa local na pamilihan dulot ng pag-aangkat.

Sa pahayag, sinabi ni Poe, chairman ng Senate committee on public services, na kanyang kinikilala ang pagkilos ng administrasyon na ibaba ang halaga ng pangunahing bilihin para sa ating konsumyer.

Pero, aniya dapat tignan nang mabuti ang Executive Order No. 171 at suriin kung nakamit nito ang layunin na ibaba ang presyo.

Inihalimbawa ni Poe ang bigas na maaaring mabili sa mas mababang halaga sa labas ng ASEAN na palaging ibinabandila ng ilang grupong pang-agrikultural dahil bukod sa makatitipid ang mamamayan, hindi mababawasan ang taripa ng pamahalaan.

“For rice, the aim was to bring down the cost from countries outside of ASEAN. Different agriculture groups have already pointed out that rice from outside of ASEAN, specifically Pakistan, can still come in at lower prices even without bringing down the tariff,” paliwanag ni Poe.

“The Federation of Free Farmers and SINAG have also raised concerns on the revenue loss to government stemming from the bringing down of tariffs,” ani Poe.

Itinanong din ni Poe kung talagang naibaba ang halaga ng karne ng baboy matapos bawasan ang sinisingil ng taripa sa inaangkat na produkto.

“For pork, did it really bring down prices? The issue last year was the volume of importation and the Senate had to step in for the concerns of hog raisers to be heard,” aniya.

Aniya, lumilitaw sa datos ng National Meat Inspection Service na mas mahigit sa 30% ang imbentaryo ng karne ng baboy nakaimbak sa bansa kumpara sa nakaraang taon at nanatiling mas mataas sa 100,000 tonelada.

“Importers have said that they have been stockpiling ahead of the expiration of EO No. 171,” ayon kay Poe.

Sinabi pa ni Poe na dapat silipin din ng administrasyon ang isyu ng profiteering na matagal nang inirereklamo ng SINAG ang pagbagsak ng farmgate prices ng karne ng baboy pero hindi umuusad ang presyo sa pagtitingi.

“The extension of EO No. 171 now is no assurance that prices will go down soon as it is just extending what is,” aniya.“We need to craft policies that take on a longer view of the situation with a wider perspective. Beyond consumer prices, we also need to look at this in its entirety—the challenges affecting local production, the friction costs, consumer preference, and the livelihood of our people,” paliwanag pa ni Poe.

Tuloy, itinanong ni Poe sa pamahalaan kung permanente na tayong nakadepende sa imported na food products at ihambing ang presyo ng pagkain sa pagbagsak at pagtaas na halaga ng dayuhang salapi o foreign exchange o kailangan nang mas maging self-sufficient ang bansa sa pagkain.

“Measures that bring down prices for consumers must go hand in hand with measures that will support food producers going forward. Food producers are also consumers themselves and many of them have already taken a hit in the past two years ,” aniya.

Idinagdag pa ni Poe na dapat suriin kung totoong bumaba ang presyo ng bigas at baboy—sa gitna ng pinagdaraanang hirap ng ating mga ordinaryong mamimili at kinasasadlakang kalagayan ng ating mga magsasaka.

“Dapat ring parusahan ang sindikatong hoarders at smugglers na diumano ay dahilan ng pagtaas ng presyo ng produktong agrikultura tulad ng bigas at sibuyas,” giit pa ng mambabatas. Ernie Reyes