Poe sa mga tren na ‘di swak sa riles ng PNR: Sino bang genius ang nag-order nito?

Poe sa mga tren na ‘di swak sa riles ng PNR: Sino bang genius ang nag-order nito?

October 1, 2022 @ 1:56 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nais ni Senator Grace Poe na may managot sa pagbili ng tatlong train sets mula sa China na “incompatible” sa riles ng Philippine National Railways (PNR).

Sa hearing ng Senate Committee on Finance sa proposed P167.12-billion 2023 budget ng Department of Transportation, sinabi ni Poe na bumili ang PNR ng train sets na may standard gauge kahit na narrow gauge ang mayroon sa PNR.

“Paparating na ito galing sa China. Walang mapaparkingan. Hindi rin magagamit ng PNR ngayon kasi narrow gauge ang riles nila Sino bang genius ang nag-order nito?” tanong ni Poe.

Sinabi ni Jeremy Regino, general manager ng PNR, na ang PNR board ang nagdesisyon sa procurement.

Sinabi niya na nagsimula ito noong 2019 o bago ang pandemya.

“With the signing of the China loan agreement, they felt the best solution, the best looking forward, it would be better to have a standard gauge train purchase rather than narrow gauge in order to be of use even after the South Long Haul project had already been established,” paglalahad ni Regino.

Sinabi niya na noong panahon na iyo, ang PNR ay mayroong project relocation program kung saan magkakaroon ng dalawang tracks—isang makipot at ang isa ay standard—upang maging dual-fit ito.

Subalit, sinabi niya na hindi ito maaari kung magdadagdag sila ng standard-gauge railway at magiging mas “judicious” ito kung iko-convert ang train sets pata kumasya sa narrow-gauge tracks.

Inihayag naman ng PNR chief na ang tatlong tren na binili mula sa China ay nakasailalim pa sa factory acceptance test at nakipagkita na siya sa China firm upang hilingin na i-convert ang standard gauge trains sa narrow gauge o kung pwedeng suspendihin ang delivery at produksyon ng mga tren.

“Whoever who made that decision to buy the wrong specs of trains should be named and held liable. Bakit ‘yan ang pinili niyo. Ngayon nahihirapan tayo magre-negotiate tapos magbabayad tayo ng extra para palitan na naman,” ani Poe. RNT/SA