Poe sa telcos, NTC: SIM registration sa senior, padaliin

Poe sa telcos, NTC: SIM registration sa senior, padaliin

December 26, 2022 @ 2:57 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagpaalala si Senador Grace Poe nitong Lunes, Disyembre 26 sa mga telecommunication companies at sa National Telecommunications Commission (NTC) na siguruhin ang madali at mabilis na proseso ng pagpaparehistro ng SIM o Subscriber Identity Module para sa mga senior citizen.

Nauna nang inanunsyo na simula bukas, Disyembre 27 ay obligado nang iparehistro ang mga SIM card dahil sa bagong batas na SIM card registration law.

“The SIM registration should be as easy as texting or sending a message,” pahayag ni Poe.

“Telcos should have portals for registration that are user-friendly and secure to encourage mobile users to enlist without hassle and interruption of services,” dagdag pa niya.

Hinimok din niya ang mga kompanya na tulungan at alalayan din ang mga persons with disabilities, minors, pregnant, at mga walang access sa internet.

Noong Disyembre 2, sinabi ng DITO Telecommunity na ang mga existing subscribers ay maaaring magparehistro sa kanilang application habang ang mga bagong subscriber naman ay makakatanggap ng link pagkatapos ipasok ang SIM card.

Samantala, ang Globe Telecommunications naman nitong Disyembre 24 ay sinigurong ligtas ang impormasyon na ilalagay ng mga customer sa kanilang platform.

“Should we need you to confirm and/or complete your data, we will get in touch with you at a later time,” ayon sa Globe.

Nagbabala naman ang Smart Communications Inc. sa mga pekeng link na ipapadala kaugnay ng SIM registration.

“[P]lease be aware of text messages that contain fake URLs. Legitimate messages will come from SMART. Report these links to: [email protected]RNT/JGC