Poe sa Tsina: West Philippine Sea, sa amin!

Poe sa Tsina: West Philippine Sea, sa amin!

July 12, 2021 @ 6:00 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Tumindig si Senador Grace Poe at pinagsabihan ang Tsina na pag-aari ng mamamayang Filipino ang West Philippine Sea.

Ito ay base sa desisyon ng international arbitral court na  inangkain ng Beijing ang ilang bahagi nito sa  ilegal na pamamaraan.

Sa pahayag, sinabi ni Poe na ikalimang taon nang naipanalo ng Pilipinas ang pag-mamayari ng ating bansa sa WPS na kinikilala ng international community, na nagtagal ng permanenteng ficture sa international legal system.

“The West Philippine Sea (WPS) belongs to the Filipino people, and the landmark arbitral award affirmed this ownership and gave it a permanent fixture in the international legal system,” ayon kay Poe.

Sinabi ni Poe na nakasalalay dito ang malawak ng maritime area na mayaman sa pangisdaan,  langis,  gas at iba pang natural na yaman kaya libu-libong mangingisda ang nasandig nito para sa kanilang pagkain at kabuhayan.

“We stand united with them in asserting our rights to our waters and protecting our territory from invasion and illegal activities,” ayon kay Poe.

“We should make use  of our victory in the tribunal to undertake a determined, focused and unflinching defense of our maritime entitlements and jurisdiction. We should be relentless in pursuing the peaceful path to exercise our rights, with the support of the international community,” giit pa niya.

“Government leaders may come and go, but this would not alter the arbitral ruling, which is our victory and pride,” patapos ng senador.

Samantala, sinabi naman ni Senador Leila De Lima na walang balak mang-away ang Pilipinas sa dambuhalang China pero kailangan lamang na ipabatid sa mundo na handa ang ating bansa na ipagtanggol ang ating pag-aari.

Sa pahayag,  ipinaalala ni De Lima ang tindig ni dating Pangulong Benigno Aquino III laban sa China sa pagsasabing  “You may have the might, but that does not necessarily make you right.”

Ayon kay De Lima na ito ang ilan lamang sa  mga pahayag ni dating Pangulong Benigno S. Aquino III, ang Pangulo nating ipinakita sa buong mundo na ang Pilipinas ay sa Pilipinas, at ang ating teritoryo ay para sa mga Pilipino.

“Hindi naduwag. Hindi nagpakatuta. Hindi nagpa-bully. Hindi huwad ang tapang. Ang salita niya ay tinumbasan ng gawa. Hindi nagpasindak sa lakas ng Tsina, sa halip ay inuna ang Pilipino, ipinaglaban ang ating kalikasan at kabuhayan, ipinagtanggol ang integridad ng ating soberanya, at itinaguyod ang ating pambansang dangal,” aniya.

Sinabi ni De Lima na kaya naman sa araw na ito, ginugunita natin ang tagumpay ng Pilipinas, na kinikilala ng buong mundo. “Hindi ito bastam kapirasong papel na malulukot lang at itatapon: Ito ay makasaysayang dokumento na simbolo ng tagumpay ng Pilipinas at sagisag ng tapang nating mga Pilipino—kung paanong nanindigan ang gobyerno at nagkaisa ang sambayanan para harapin ang kalaban, gaano man ito ka-impluwensya o kadambuhala.”

“At sino lang ang hindi kumikilala rito? Siyempre ang mga hindi makatanggap ng kanilang pagkatalo, yung hindi makatanggap ng katotohanan na hindi nila puwedeng angkinin ang hindi naman sa kanila. Lalong-lalo na, hindi ito kinikilala ng mga pumapabor sa Tsina, na sa sobrang laki ng utang ay naaatim na ibenta ang ating mga isla,” ayon sa senador.

Kaya sinabi ni De Lima na dapat isigaw ng bayan:   Sa atin ang Pinas, sa inyo na si Duterte!

“Sa araw pong ito, hindi man natin kasama si PNoy, lagi naman nating bubuhayin ang diwa ng kanyang pamumuno: ang responsableng pamamahala na nagpaunlad sa ating ekonomiya at tunay na ipinamalas ang good governance. Yan si PNoy, ang Pangulo nating maka-Pilipino at maka-Pilipinas. Ang layo po di ba?!,” ayon sa mambabatas.

“Sa ngalan ni PNoy at ng kanyang legasiya, patuloy nating ipamalas sa buong mundo ang pagkakaisa at paninindigan para sa katarungan, katotohanan at demokrasya,” patapos ng senador. Ernie Reyes