POEA nagbabala vs job offer text scam

POEA nagbabala vs job offer text scam

January 14, 2022 @ 12:20 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Nagbabala ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) tungkol sa kumakalat na text message na nag-aalok ng pekeng trabaho sa ibang bansa.

Paalala ni POEA Administrator Bernard Olalia, bukod sa scamming ay mayroon ding phishing o pagnanakaw ng impormasyon.

“In smishing, text messages promising employment and high salaries are sent to trick users to click on suspicious links. These links then redirect users to fraudulent sites when clicked. These sites may steal users’ personal data, introduce mobile malware, and even commit fraud,” paliwanag ni Olalia.

Paalala ng POEA , kung kahina-hinala ang email o text job offer, i-block agad ang sender at i-report sa POEA, telecommunications provider,

Agad namang pinarereport sa National Privacy Commission (NPC) o sa National Telecommunications Commission (NTC) maging sa telecommunications provider ang mga kahina-hinalang mensahe.

Dagdag pa ng pamunuan, huwag basta magbigay ng kopya ng ID galing sa gobyerno lalo pa ang ilang dokumento at pagbabayad ng pera sa hindi awtorisadong indibidwal.

Maaari namang iberipika ang trabahong papasukan sa POEA Verification System sa POEA website (www.poea.gov.ph) o mag-email sa POEA Information Center sa [email protected] para sa kumpirmasyon. RNT/FGDC