POGO crimes nagpapailap sa investors-solon

POGO crimes nagpapailap sa investors-solon

September 18, 2022 @ 11:03 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nanawagan si House Committee on Appropriations Vice Chairman at Iloilo Rep. Janette Garin sa Senado at sa mga kapwa mambabatas nito sa House of Representatives na gumawa ng hakbang para ma-ban na sa bansa ang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) kasunud na rin ng mga insidente ng kidnapping,pagdukot at iba pang illegal na aktibidad na kinasasangkutan ng mga Chinese nationals.

Ayon kay Garin ang ganitong mga insidente ay may matinding epekto sa imahe ng Pilipinas sa international community at syang dahilan para umiwas ang mga foreign investors.

Β β€œNow that we are opening up our economy and kidnapping and human trafficking headlining our daily news, it is driving away investors considering that its creating a misinformation that the Philippines is not safe,” pahayag ni Garin kung saa tinukoy nito ang naging operasyon kamakailan ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group kung saan 42 Chinese nationals sa Angeles City, Pampanga na biktima ng human trafficking ang nasagip.

Ipinagmamalaki ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang malaking revenue na nakukuha sa POGO na syang unang dahilan kung bakit hindi ito dapat na ipahinto gayunpaman para kay Garin hindi sapat ang kita kung kapalit naman ay mga krimen na syang nakasisisira sa bansa.

Β β€˜It has become a door to several crimes. The Philippine Offshore Gaming Operators hubs have become havens for undesirable aliens, drug and human trafficking, prostitution and other crime syndicates for money laundering and illicit operations,”paliwanag ni Garin.

Sinuportahan ni Garin ang nauna nang pahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na pumapabor din sa pagpapahinto ng operasyon ng POGO dahil na rin sa masamang reputasyon na dinudulot nito.

β€œChina and Cambodia have banned gambling because of the ill-effects it had brought and the Philippines should learn from their experience, we should not disregard the negative and deleterious effects that have risen with the continued operation of POGO in our country,” dagdag pa ng mambabatas.

Ang underground operation ng POGO sa Pilipinas ay nagsimula noon pang 2003 subalit noong 2016 ay tumodo ang operasyon nito matapos isalegal sa ilalim ng termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa datos noong 2019 ay nasa 138,000 ang Chinese nationals na nagtatrabaho sa POGO at sa nasabing bilang ay 83,760 ang may special work permits kaya nakakapanatili ito sa bansa ng hanggang 6 na buwan habang 17% naman ay mga Filipino na karaniwang trabaho sa POGO ay mga driver, helper at security guards. Gail Mendoza