POGO gusto nang tuldukan ni Poe: Benepisyo, nalulunod sa negatibong kahihinatnan

POGO gusto nang tuldukan ni Poe: Benepisyo, nalulunod sa negatibong kahihinatnan

October 11, 2022 @ 7:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Muling iginiit ni Senador Grace Poe sa pamahalaan na tuluyan nang tuldukan ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa dahil “nilulunod” ng negatibong kahihinatnan ang benepisyong nakukuha sa industriya.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on ways and means sa pamumuno ni Senador Win Gatchalian hinggil sa POGO, sinabi ni poe na ginagamit lamang an gating bansa bilang venue upang ibenta ang online gambling sa ibang bansa tulad ng China na lubhang ipinagbabawal ang sugal.

Muling ipinalabas ni Poe ang kanyang matibay na panawagan sa gobyerno na tuluyan nang itigil ang operasyon nito sa huli sa pamamagitan ng panggigiit sa napakalaking social cost nito sa publiko.

Iginiit ni Poe sa pagdinig ng pinagsanib na Senate ways and means committee sa public services, na kumakalap ng service providers (SPs) ang POGOs na nag-aalok ng serbisyo tulad ng telemarketing, video streaming at katulad nito upang ibenta ang online gambling.

“Trabaho nila na ilako ang sugal sa isang bansa na kung saan illegal ang online gambling. Talagang kinokonsinti natin sila upang labagin ang sarili nilang batas sa ating bansa,” ayon kay Poe.

Hindi pinaniniwalaan ng senador ang pahayag ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na hindi lamang sa China ang kanilang players o manlalaro.

“Ang sinasabi nyo na ang manlalaro nila ang mga Chinese sa America or Europa. Nakatitiyak pa kayo tungkol dyan o nagbulag-bulagan lang kayo Kasi kung kategoryang sasabihin nyo sa amin na hindi sila mula China kasi bawal yan doon, malaking kasinungalingan yan,” ani Poe.

“Ngayon, nahuli na kayo. Sinasabi n’yo hindi namin papayagan ‘yang mga lisensyadong POGO kung sila’y nag-ooperate sa mga bansang bawal ‘yan, alam naman natin ang pinakamalaking market nila ay China. Babawiin ‘yung lisensya nila, ganu’n ba ‘yun?” dagdag ni Poe.

Binanggit ni Poe sa pagdinig ang pahayag mula sa National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon na sa pagitan ng 2017 at 2019, tinukoy ng Anti-Money Laundering Council na P14 bilyon mula sa P543 bilyong transaksiyon ng POGO ay pawang kahina-hinala.

Naunang naghain si Poe ng isang resolusyon upang suriin o imbestigahan ang social cost ng operasyon ng POGI sa bansa.

Pinatingkad ni Poe ang pahayag ng NEDA na ipinanawagan sa Pilipinas ang patuloy na pagkukunsinti sa operasyon ng POGO kahit bawal ito sa China saka umapela sa ibang bansa na gawin din ito.

“Siyempre, hindi tumugon ang Pilipinas sa panawagan at epekto nito na inyong binanggit na isang bagay na magpapabagsak ang pagdating ng turista o may direktiba ang pamahalaang China na ipabawal ang turismo sa Pilipinas,” aniya sa opisyal ng NEDA.

Samantala, sa pagkuwestiyon sa Pagcor, nakita ni Poe na tanging 11 porsiyentoo2, 218 mula sa 19,726 empleado ng SPs ay pawang Filipino.

Mula sa P81.9 bilyong kita ng Pzgcor nitong 2019, umabot lamang sa P5.7 bilyon ang nanggaling sa POGO.

Pinawi naman ni Poe ang hindi makatotohanang pangamba na magkakaroon ng malawakang kawalan ng trabaho kapag ipinasara ang POGO sa bansa dahil maaaring industriya na puwedeng palakasin upang makalikha ng trabaho sa Filipino.

“Iyong sinasabing unemployment, hindi natin ‘yan minamaliit, lahat ng trabaho ay importante para sa ating mga kababayan. Pero may ibang mga industriya naman na pwedeng suportahan ng ating gobyerno para matumbasan kung hindi man mahigitan pa ang mawawala dahil dito sa ganitong uri ng negosyo,” ani Poe.

“Kung pag-uusapan natin ang social cost, siguro higit pa sa lahat, puwede natin i-qauntify ng lahat ng samples na ibinigay sa atin at sa kasong ito, nahigitan ng negatibong kahihinatnan ang benepisyong nakukuha, dagdag ni Poe. Ernie Reyes