‘POGO-related abduction’ tatalupan ng NCRPO

‘POGO-related abduction’ tatalupan ng NCRPO

December 15, 2022 @ 4:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng National Capital Region Police Office nitong Huwebes na sinisilip nito ang umano’y pagdukot sa na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), na isiniwalat ni Sen. Grace Poe bared ngayong linggo.

Inilahad ni Poe na dinukot ang hipag ng kanyang kaibigan sa Pasay at binugbog nang subukan niyang tumakas. Ibinenta umano ang biktima sa “Chinese-looking buyer”, na naawa sa kanya matapos makita ang mag sugat at dinala siya sa POGO dorm sa Cavite. Bago siya muling ibenta, nagbayad ang kanyang kaanak upang mapalaya siya, base sa senador.

Nasagip din ang isa pang Chinese national mula sa parehong POGO company noong Oktubre, base kay Poe.

“Ongoing pa po yung investigation, actually nasabihan ko na rin yung aking R2 (Intelligence Division) na tutukan itong kaso na ito,” pahayag ni NCRPO chief Maj. Gen. Jonnel Estomo.

“Actually sa amin as far as NCRPO is concerned, wala pong naire-report sa amin na ganyan. So hindi po ganyang kalala, so yan po nga kwentuhan lang po yan. Yung dating gawi sa POGO, may mga internal na nangyayari na kidnapping. Pero sa amin po personally wala ako natanggap na ganung karami na sinasabi ninyo,” dagdag niya.

Sinabi ni Poe nitong Miyerkules na, “Even without any official report, it is clear that these crimes are happening before us.”

“I would eagerly call on the authorities to rescue the victims. But we cannot just go on saving each and every time someone is kidnapped by POGOs,” aniya sa privilege speech. 

“Allow me to reiterate my call. Let’s face the music and decide once and for all if our institutions are still stronger than POGO and can rein in the risk to peace and order, and possible long-term damage to the rule of law while these POGO-related crimes continue,” dagdag ng senador.

Karaniwang tinatanggap ng POGOs ang Chinese workers at tina-target ang mga kustomer galing China kung saan iligal ang pagsusugal. Ilan din ang sangkot sa investment fraud. 

Inihayag ng mga kapulisan na hindi bababa sa 97 biktima ng human trafficking ang nasagip mula sa POGOs simula 2019 sa Pilipinas. Sa bilang na ito, 62 ang Chinese. RNT/SA