POGO WORKERS SPREADER NG STD

POGO WORKERS SPREADER NG STD

October 5, 2022 @ 4:45 PM 2 months ago


NAKABABAHALA ang natanggap na ulat ng Department of Justice hinggil sa pagtaas ng kaso ng sexually transmitted diseases sa mga POGO workers kung saan umabot na sa 15 hanggang 20 na mga empleyado nito bawat kompanya ang nagkakaroon ng nakakahawang sakit.

Mismong ang tagapagsalita ng DOJ na si Mico Clavano ang nagbunyag sa media nang pagkalat ng STD sa mga kawani ng POGO kaya naman patuloy na isinasagawa ng ahensya ang iba’t-ibang operasyon kaugnay sa pag-dedeport at pagkansela ng visa ng mga “Chinaman” upang maibsan ang pagkalat nito at posibleng mahawaan din ang mga kababayan nating may relasyon sa kanila.

Walastik talaga ang POGO workers na yan,halos lahat na yata ng krimen sa bansa ay inuuugnay ang ilan sa kanila mula sa murder,kidnapping at ngayon naman ay sex trafficking kung saan itinuturong ugat ng pagkalat ng STD sa loob ng mga kompanya ng POGO.

Ayon pa sa DOJ, masyadong magastos sa pamahalaan kung biglaang ipapatapon pabalik ng China ang mga empleyadong pinaniniwalaang positibo sa STD kaya naman inirekomenda ng ahensya na kanselahin na lamang ang mga visa nila upang sila mismo ang bumalik sa kanilang bansa.

Sa ngayon ay mayroong 48,782 libong dayuhang mula China na plano ng DOJ na kanselahin ang visa bago magtapos ang Oktubre upang matuldukan na ang problemang itong matagal nang inirereklamo ng taumbayan subalit hindi naman matigil ang pag-operate ng POGO bunsod sa pinagkakakitaan ng ilang padrinong malakas sa gobyerno.

Kunsabagay,panahon na para ipatigil ang operasyon ng POGO sa bansa dahil hindi lang ito ang itinuturong ugat ng kaguluhan sa Kamaynilaan subalit malaki pa ang utang nito sa gobyernong. Kaya naman sa kabuuan, perwisyo ito sa sambayanan.

Anomang puna o reaksyon itex sa 09999388537/email normanlaurio17@gmail.com