‘POGO zone’ inihirit ni Bato

‘POGO zone’ inihirit ni Bato

January 28, 2023 @ 2:38 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa nitong Biyernes na sinisilip niya na bigyan ang administrasyong Marcos ng “free hand” kung paano tutugunan ang problema ng bansa sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Si Dela Rosa ang chairman ng Senate public order and dangerous drugs committee, na nag-iimbestiga rin sa revenue contribution ng POGO sa pamahalaan kumpara sa social costs nito.

“If the government wants to stop POGO, no problem. They can stop POGO anytime. Kung gusto na ipagpatuloy ang POGO, then we have to strictly regulate POGO operations,” ani Dela Rosa.

Inihayag ni Dela Rosa na balak niyang isapinal ang kanyang paninindigan sa isyu matapos ang  ang huling hearing sa sunod na linggo na tututok sa POGO-related crimes.

Nangyari ang mga krimeng may kinalaman sa POGOs dahil pumlya ang mga awtoridad na bantayan sila dahil sa limitadong access sa kanilang pasilidad, base kay Dela Rosa.

“Gagawa tayo ng POGO zone. Kung wala na yung social cost na sinasabi nila na anchored primarily on POGO-related crimes. Mako-control yan kung isang lugar na lang sila. Matututukan ng security forces ang pagse-secure sa kanila, hindi na sila gagawa ng krimen. At matataasan na natin ang revenue,” pahayag ni Dela Rosa. 

Sinabi rin ng senador na dapat linawin ang isyu tungkol sa contracted third party auditor ng PAGCOR.

Mayorya ng mga Pilipino ang naniniwalang mapanganib ang presensya ng POGOs sa bansa, ani Gatchalian nitong Huwebes, batay sa isinagawang survey ng Pulse Asia. RNT/SA