‘Poison lipstick’ naglipana

‘Poison lipstick’ naglipana

July 31, 2018 @ 1:51 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Pinag-iingat ng isang anti-toxic watch group ang publiko laban sa pagbili ng mga tinaguriang ‘poison lipstick’, na mabiling-mabili ngayon sa mga kababaihan dahil sa pagiging mura at abot-kaya ngunit maaari naman umanong makasama sa kanilang kalusugan sa mga taglay na nakalalasong kemikal.

Babala pa ng EcoWaste Coalition sa mga kababaihan, dapat na nilang itigil ang paggamit ng mga naturang mga pekeng produkto na may taglay na heavy metal impurities na nakasisira sa kalusugan.

Ayon kay Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner, ng EcoWaste Coalition, karaniwang ang mga naturang poison lipstick ay pawang imitasyon lamang kaya’t murang-mura, at kontaminado ng lead, cadmium, mercury at arsenic, na lampas sa trace limits na itinatakda ng ASEAN Cosmetic Directive (ACD).

Anang ecowaste, ang arsenic, cadmium, lead at mercury ay kabilang sa listahan ng “10 chemicals of major public health concern” ng World Health Organization (WHO), at ng mga substance na hindi dapat maging sangkap ng cosmetic products.

Hinimok rin naman ng grupo ang publiko na umiwas sa pagbili ng mga pekeng produkto upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

“We urge lipstick users not to buy counterfeit lipsticks and those without proper market authorization as many of such products are laden with heavy metal contaminants that can seriously harm human health,” panawagan pa ni Dizon.

“Our intent is not to throw cold water on this special day for lipstick lovers, but to remind consumers of the hazardous substances that may be lurking in fake articles and others that have not been assessed for their quality and safety,” aniya pa.

Umapela rin ang grupo sa pamunuan ng Food and Drug Administration (FDA) na kaagad na kumpiskahin angmga naturang ‘poison lipstick’ na mabibili sa Divisoria, sa halagang P15 hanggang P70 lamang kada piraso. Macs Borja