Pokwang at Andrew E, nagkita sa Bora!

Pokwang at Andrew E, nagkita sa Bora!

May 17, 2022 @ 2:27 PM 1 month ago


Aklan, Philippines – Alam ng lahat na magkaiba ang sinuportahang presidentiable nina Pokwang at Andrew E.

BBM ang kay Andrew na humataw noon sa mga kampanya ng UniTeam, samantalang aminadong maka-Robredo si Powang.

Gayunpaman, hindi naging dahilan ‘yon para mag-isnaban ang dalawa nang aksidenteng magkita sa isang resort sa Boracay kamakailan.

Sa post nga ni Pokwang nitong May 15, respeto raw ang nanaig sa kanila.

Sa katunayan, nagpost pa ang komedyana ng larawan kasama ang kani-kanilang pamilya.

Tinanggap na naman daw ni Pokwang ang resulta ng nakaraang eleksyon kung saan nagwagi si BBM over Leni.

At dahil tapos na ang pag-aaway-away ng mga tagasuporta ng magkabilang panig, may panawagan si Pokwang sa mga kaibigan at kamag-anak na maka-BBM

Aniya, “‘yung mga umutang sa akin, magbayad kayo, ha?”

Hindi binanggit ni Pokwang kung magkano ang halaga ng inutang sa kanya. Ronnie Carrasco III