Pokwang at asawa, hiwalay na?

Pokwang at asawa, hiwalay na?

July 7, 2022 @ 6:55 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Kumakalat ngayon ang tsikang hiwalay na si Pokwang at ang asawang si Lee O’Brian.

Pinagbasehan ng mga netizen ang pagpalit ng pangalan sa food business ng komedyana.

Dati kasing Lee-Pokwang Food Products ang business name nito.

Ngayon, ang nakasulat na sa label ay Pokwang Gourmet.

Pati business logo ay binago na rin.

Sa isang video, ipinagmalaki ni Pokwang ang mga produkto under the new business name tulad ng laing, tinapa, tuyo, suka at iba pa.

Dito na na-curious ang mga netizen na agad nag-isip na hiwalay na ang mag-asawa.

Lalo pang tumibay ang hinala ng marami sa ‘di pagsagot ni Pokwang sa mga text messages ng mga reporter na nagtatanong tungkol sa estado nilang mag-asawa.

Samantala, nasa cast ng Lolong si Pokwang who plays Coring, isang palaboy na babaeng iniwan ng asawa.

Ang nakakatawa, also in the cast ay si DJ Durano na nakairingan ni Pokwang sa social media.

But all’s well between them now. Ronnie Carrasco III