Pokwang at Rabiya, happy kahit may pinagdadaanan!

Pokwang at Rabiya, happy kahit may pinagdadaanan!

July 20, 2022 @ 7:38 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Tiyak na riot ang episode ng Sarap Di Ba this Saturday dahil sa panunugod ng cast ng bagong morning show ng GMA!

Ito’y walang iba kundi ang pinagsamang puwersa nina Pokwang, Rabiya Mateo at Kuya Kim Atienza.

Ayon nga sa teaser plug ng Tiktoclock, happy time ang hatid nila sa mga viewers.

Expected in the newest show ay hodgepodge ng mga exciting segments which include kantahan, games, kulitan at marami pang iba.

Kapuri-puri nga kung paanong pasasayahin nina Pokwang, Rabiya at Kuya Kim ang mga manonood sa kabila ng kanilang mga pinagdadaanan sa personal nilang buhay

Si Kuya Kim, nangungulila sa dalawang anak niya na nasa Amerika.

Rabiya naman is said to be nursing a broken heart sa balitang tinuldukan na nila ni Jeric Gonzales ang kanilang relasyon.

Siyempre, nariyan si Pokwang na ewan kung naka-move on na nga ba from her separation kay Lee O’Brian.

Now a single parent, how does Pokwang intend to raise her daughter Malia?

With Carmina Villaroel in the middle of all this fun, magseryoso kaya siya by sharing her thoughts on how to stay happy despite life’s adversities?

Kaya huwag palampasin, Sarap Di Ba ngayong Sabado! Ronnie Carrasco III