Pokwang, bisi-bisihan para makapag-move on!

Pokwang, bisi-bisihan para makapag-move on!

July 13, 2022 @ 3:03 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Mukhang itinutok ni Pokwang ang sarili sa trabaho para makapag-move on sa hiwalayan nila ng kanyang asawa na si Lee O’Brien.

May bago na naman kasing live program si Powkie sa GMA7, ang Tiktoclock,  na magsisimula nang ipalabas sa July 25.

Makakasama ni Pomwang sa program ang veteran anchorman na si Kuya Kim Atienza at ang beauty queen/actress Rabiya Mateo.

Ipinagmalaki ni Pokwang na ang live show na may audience participants at live audience na nanonood ay second show pa lang ng GMA na may ganitong format.

Ang una ay ang All Out Sunday.

Excited si Pokwang na nagsabi na ang hosting ang pinaka-gusto talaga niyang gawin bilang artista dahil nagsimula siya sa comedy bar.

Tama nga siguro ang sinasabi ng iba na ang isa sa pinakamabisang paraan ng pagmu-move on is to keep yourself busy. Noel Asinas