Pokwang, ikinumpara sa biik at bulate si Lee!

Pokwang, ikinumpara sa biik at bulate si Lee!

March 15, 2023 @ 12:40 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Simple lang ang gustong mangyari ni Pokaang para matahimik na siya sa buhay: ang bumalik sa Amerika ang dating karelasyon na si Lee O’Brian.

Not only will the comedienne achieve peace of mind, tiyak ding tatantanan na niya ito sa social media.

Kahit kasi matagal nang hiwalay, ayaw pa ring paawat si Pokwang sa kaba-bash kay Lee kahit nananahimik ito.

Gayunpaman, kahit aburido si Pokwang ay maraming netizens ang nakakapansin sa kanyang maaliwalas na disposisyon which radiates from within.

Pero bawat papuri sa kanya, hindi maaaring hindi niya ikunek ‘yon kay Lee.

A netizen posted kung gaano kaganda ang aura niya.

Tinawag na anak ni Pokwang ang netizen, sabay ipinaliwanag why she looks so fresh.

“Anak, wala na kasi akong patabaing biik!” sagot ni Pokwang.

Isa pang netizen ang pumuri sa kanyang fresh beauty.

Again, may paliwanag si Pokwang: “Wala na kasi ang parasite sa buhay ko. Bwahahaha!”

Hindi ikinakaila ni Pokwang na sa loob ng anim na taong pagsasama sila ni Lee ay wala itong ibinibigay na sustento para sa kanilang anak na si Malia.

It is for this reason kung bakit inaayos na ni Pokwang ang mga legal na dokumento ng anak to have her last named changed to Subong.

Sa sobrang poot din ni Pokwang kay Lee ay nakikiusap siya sa mga employer dito na huwag itong bigyan ng trabaho.

Ani Pokwang, gagastusin lang daw ni Lee ang kikitain nito sa bagong babae niya. Ronnie Carrasco III