Pokwang, ipatatanggal ang O’Brian sa pangalan ng anak!

Pokwang, ipatatanggal ang O’Brian sa pangalan ng anak!

March 2, 2023 @ 4:44 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Desidido na si Pokwang na ipatanggal ang apelyidong O’Brian sa pangalan ng apat na taong gulang na anak na si Malia.

Pero nauna nang imungkahi ito ng isang nagmamalasakit na netizen.

“Inaayos ko na po,” sagot ng komedyana.

Yaman din lang daw na walang suporta mula sa dating karelasyon na si Lee ay mas makakagaan pa sa loob niya kapag Malia Subong na lang ang gamit na pangalan ng anak.

Isiniwalat kasi ni Pokwang na tutol daw noon si Lee na magbuntis siya.

But she went on with her pregnancy kung saan siya rin ang gumastos sa kanyang pre-natal checkup hanggang sa isilang niya si Malia at maging ang vitamins nito.

May mga nagpapayo naman kay Pokwang na huwag nang maging bitter.

Anila, she would not have born a beautiful girl kung hindi raw dahil kay Lee.

Pero imbes na magpasalamat ay minasama pa ni Pokwang ang paalalang ‘yon ng netizen.

Aniya, “Madali n’yong sabihing huwag na akong maging bitter dahil hindi n’yo alam ang nangyari!”

Nagbanta pa ang komedyana na isasama ang mga nangingialam na netizens sa demanda.

Ang hindi raw kasi alam ng mga ito, financially at mentally ay sinagad daw siya ni Lee.

Ipinagdiinan pa ni Pokwang na magiging kawawa lang daw ang babaeng magkakamaling pakasalan si Lee dahil takot ito sa responsibilidad.

Consistent si Pokwang sa pagsasabing huwag daw aalukin dito ng trabaho o mapagkakakitaan si Lee dahil gagastusin lang daw nito ang pera sa babae niya.

Ultimately, magkakaroon lang daw ng peace of mind si Pokwang pag bumiyahe na pabalik ng Amerika ang dating karelasyon. Ronnie Carrasco III