Pokwang, kumonsulta sa abogado, hihirit ng sustento kay Lee?

Pokwang, kumonsulta sa abogado, hihirit ng sustento kay Lee?

January 28, 2023 @ 12:54 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Ilang panahon nang napangatawanan ni Pokwang ang pagiging isang solo parent.

Ito ang dahilan kung bakit nagtataka ang isang netizen sa mismong sapantaha niya na naghahabol daw ng sustento ang komedyana para kay Malia mula sa ama nitong si Lee O’Brian.

Nagpost kasi si Pokwang ng picture nila ng apat na taong gulang na anak.

Lulan ng sasakyan, nilakipan ni Pokwang ang photo ng caption na: “On the way to Atty. Santos’ office. We got this ‘nak.”

Binigyan ito agad ng kahulugan ng forward-thinking netizen na animo’y kalkulado ang mga kilos ng komedyana.

Aniya, ang pakay raw ng appointment ni Pokwang sa nasabing abogado ay may kinalaman sa hihinging sustento nito para sa anak nilang si Malia.

It appears na ni isang kusing daw ay hindi nagbibigay ng support si Lee, at ito ang ikokonsulta ni Pokwang sa kanyang abogado.

Oo nga raw at nahihiram ni Lee si Malia, pero giving the child financial support is another story.

Talagang nakapaghabi na ng kuwento ang netizen, bagay na pinagtakhan niya rin.

For the longest time nga naman daw ay solo ring itinataguyod ni Pokwang ang isa pang anak na si Mae from her previous relationship.

Bakit daw pagdating kay Malia ay bigla niyang naisip mag-demand ng alimony?

Hindi raw ba kayang itaguyod ni Pokwang si Malia the way she has brought up her other daughter, gayong malakas naman daw siyang kumita?

Bukod sa showbiz work, may bottled food business pa raw ang TikTok Clock host.

Eh, ano nga ba kasi ang pakay ni Pokwang sa pagpunta sa tanggapan ng Atty. Santos na ‘yon, aber?

At ano ang ibig niyang sabihin ng, “We got this, ‘nak!”? Ronnie Carrasco III