Pokwang, kumpirmadong hiwalay na; Lee, lalayas na sa Pinas!

Pokwang, kumpirmadong hiwalay na; Lee, lalayas na sa Pinas!

July 10, 2022 @ 3:35 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Mismong si Pokwang na ang umaming hiwalay na sila ng karelasyong si Lee O’Brian.

Noong November pa pala last year sila hiwalay.

Pag-amin ng komedyana, “Maayos naming tinapos ang lahat, walang pait-paitan. Hahaha.”

Nilinaw ni Pokwang na walang third party involved sa paghihiwalay nila ni Lee na isa ring part-time actor.

Hindi na nga lang niya binanggit what triggered the separation.

Naghiwalay man, malaya raw si Lee na dalawin ang kanilang anak na si Malia.

Every weekend nga raw kung bumisita si Lee.

Anytime soon daw ay babalik na rin si Lee sa Amerika.

Hindi nga lang sinabi ni Pokwang kung for good na ang pananatili roon ng dating karelasyon.

Samantala, inalmahan ni Pokwang ang sinasabi ng ilang netizens na nakarma raw siya, resulta ng paghihiwalay nila ni Lee.

Aniya, ang nakakarma raw ay ‘yung mga taong nag- iisip ng masama sa kapwa o naghahangad ng ‘di magandang pangyayari sa ibang tao.

“Paano akong nakarma, aber?” buwelta niya sa kanyang mga basher.

Nag-ugat ang usapin ng paghihiwalay nila makaraang baguhin ni Pokwang ang business name ng kanyang mga food products.

Pinalitan niya ito ng business name na Mama Pokwang na dating kilala bilang Pok-Lee na kumbinasyon ng mga pangalan nila. Ronnie Carrasco III