Pokwang, manhid na sa basher!

Pokwang, manhid na sa basher!

February 3, 2023 @ 12:40 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Sa estado career ngayon ni Pokwang ay wala na siyang pakialam sa mga basher.

Sa mga nakaraang pamba-bash sa kanya, idinamay pa ng mga basher ang kanyang anak na si Maliah. Nasundan pa ito nang maghiwalay sila ng asawang Amerikano na si Lee O’ Brian, halos dalawang taon na ang nakakaraan.

Sa comment section ng kanyang Instagram, may nagtanong na netizen kung paano siya makaka-move on.

Sinagot ito ni Pokwang na tigilan na siya dahil nananahimik na siya at tuloy-tuloy pa rin ang blessings na dumarating sa kanya. Marami raw siyang blessings kaya mamatay ang mga bashers sa inggit.

“Kapag alam mo ang karapatan mo at kung may anak ka, ilaban at lalakas ang loob mo na harapin sila. Sorry pero manhid na ako sa mga basher na ‘yan, ang dami kong work sobra kaya mamatay sila sa inggit!” Ador Saluta