Pokwang naghahanap na ng bagong papa!

Pokwang naghahanap na ng bagong papa!

January 5, 2023 @ 9:51 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – May panawagan si Pokwang sa kanyang social media account na itsurang nasa want-ad section lang ang peg.

Post ni Marietta Subong sa totoong buhay: “Hoy, 2023 na. Puwede na kayong mag-apply na papa, asan na kayo? Hahaha…bawal ang user o mangga…manggagamit!”

Clearly, naka-move on na nga nang tuluyan ang komedyana mula sa pagsasama nila ni Lee O’Brian.

Latter part ng 2021 nang magdesisyon silang maghiwalay.

And the only person privy to their mutually agreed separation ay si K Brosas.

Despite what happened to their seven-year relationship, co-parenting ang arrangement nina Pokwang at Lee sa kanilang anak na si Malia.

Malaya ring nabibisita ng American actor si Malia na personal na ring nakilala ang mga magulang ng ama during their trip to the US.

Ang maganda sa set-up ng dating couple, never na siniraan ni Pokwang si Lee.

Taong 2014 nang magkakilala ang dalawa when they did Edsa Woolworth.

Si Lee ang gumanap bilang leading man ni Pokwang.

A year later nang bumisita si Lee sa bansa, and the rest is history.

It’s been nearly two years mula nang maging single na uli si Pokwang, but she’s ready to mingle.

This time around, seryoso na siyang humanap ng kapalit ni Lee.

Si Lee kaya, naghahanap na rin ba ng kapalit ni Pokwang? Ronnie Carrasco III