Pokwang, naniningil ng utang sa BBM supporters!

Pokwang, naniningil ng utang sa BBM supporters!

May 19, 2022 @ 11:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Moving-on na si Pokwang pagkatapos tanggapin ang resulta ng nakaraang halalan kung saa’y hindi nagtagumpay ang sinuportahang si VP Leni Robredo sa pagka-pangulo.

Subalit ang nakakatuwa kay Pokwang, part ng kanyang moving-on o paglimot ay ang hiling niya na sana’y magbayad na ng kanilang utang ang mga kaibigan at kamag-anak na sumuporta sa kalabang BBM.

Pero bago pa ang paniningil, sinabi ng comedienne na tigilan na rin ang pamba-bash sa isa’t isa o magkabilang kampo dahil pare-pareho naman daw silang nagsalita nang hindi magaganda noong nakaraang halalan.

Mensahe ni Pokwang, “Ok,tapos na eleksyon, tanggap na rin (namin), ganu’n talaga, pero,sana ‘yung mga BBM na kamag-anak at friends ko na nangutang sa akin, bayad-bayad na rin, ha? Okay?

“Tapos na ang ating ipinaglalaban kaya huwag nang magmalinis ang taga-suporta ng ating ipinagmamalaking kandidato dahil kanya-kanya tayong nagsalita  nang hindi maganda sa kabilang kampo,” mensahe ni Pokwang na idinaan sa kanyang Twitter account.

Kung nanalo sana ang kanyang bet, wala nang singilan pang magaganap.

Aminado naman si Pokwang na lubha siyang nasaktan sa pagkatalo ng kanyang sinusuportahan. Ador Saluta