Pokwang, payag na dalhin ang anak sa Amerika!

Pokwang, payag na dalhin ang anak sa Amerika!

July 18, 2022 @ 12:40 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Aprub kay Pokwang ang plano ng dating karelaston na si Lee O’Brian na dalhin ang anak nilang si Malia sa Amerika.

No, Malia is not staying with her dad in the US.

Ito’y para maipakilala raw ni Lee si Malia sa kanyang mga magulang, her grandparents.

Balita kasing anytime ay babalik na si Lee sa US makaraang magdesisyon silang maghiwalay ni Pokwang.

Pero bago rito’y pumaayag si Pokwang na bisitahin ni Lee ang kanilang anak every weekend.

“Mas okey na ‘yon kesa magkasama kami. Kasi nu’ng time na magkasama kami, laging may mainit ang ulo,” ani Pokwang.

Kaya tila nagsasalita na rin nang tapos ang komedyana, “Walang mangyayaring balikan!”

Inamin ni Pokwang na November last year nang magdesisyon silang maghiwalay ng karelasyong ang tawag niya’y “Papang.”

Happy na raw ang komedyana dahil trabaho raw sa GMA ang naging pambawi niya sa kinahinatnan ng kanilang relasyon. Ronnie Carrasco III