Pokwang, pinangaralan si Ella sa history!

Pokwang, pinangaralan si Ella sa history!

July 5, 2022 @ 8:39 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Bukod sa netizens at historians, hindi na rin napigilan ng ilang celebrities na magbigay ng pahayag o pangaral kay Ella Cruz.

Isa na rito ang actress/comedian na si Pokwang. Naglabas ito ng saloobin sa social media tungkol sa “History is like tsismis” statement ni Ella.

“Nak, Ella Cruz tanggap ko pananaw mo sa politika at respeto ko ang sino man sinuportahan mo, pero sa usaping HISTORY, di ako sasang-ayon sa’yo nak dahil mali! Maling mali,” bahagi ng tweet ni Pokwang.

Pero ang kinaaliwan ng mga tao, ang karugtong ng statement na ito.

Gusto lang naman kasing ibalik ng comedian si Ella sa dagat para makalasap ng iodine na nakakatalino, aniya.

“Mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat nak, mayaman sa iodine ang dagat nakakatalino raw ‘yan #Aryana,” pagtatapos ng tweet ni Poki.

Kung matatandaan ay nagbida si Ella sa seryeng Aryana at gumanap si Pokwang bilang nanay ng una.

Hindi nagpapatawa si Pokwang pero bentang benta sa netizens ang sinabi nito.

Biro tuloy ng netizens, “Tama! Kulang na siya sa asin!” Oops. Paula Jonabelle Ignacio