Pokwang, pumalag sa isyung inaalila ang anak!

Pokwang, pumalag sa isyung inaalila ang anak!

November 25, 2022 @ 2:30 PM 7 days ago


Manila, Philippines – Hindi porke’t pinagtatrabaho ng magulang ang anak sa bahay ay inaalila niya ito.

Ito ang gustong ipaunawa sa mga netizen na nagsasabing ginagawang katulong daw ni Pokwang ang anak na si Malia.

Malia is the four-year old daughter of the TV host-comedienne by estranged partner Lee O’Brian.

Ipinost kasi ni Pokwang sa kanyang Instagram account ang litrato ni Malia while doing the dishes.

Katwiran ng ina, mabuting habang maaga raw ay ipinamumulat ng magulang ang pagtuturo sa anak na gumawa ng mga household chores.

Sa katunayan daw, sa edad na apat na taong gulang ay napapakinabangan na ni Pokwang si Malia.

Marunong na raw itong magwalis sa kanilang garden, maglampaso ng sahig, maghiwa ng mga gulay at maghugas ng plato.

‘Yun nga lang, kailangan niya itong bantayan while doing the dishes dahil bukod sa maaksaya sa sabon ay naisisingit ang laro.

Inilalayo rin kasi ng Tik o’Clock host si Malia sa mga gadgets na kinaaadikan ng mga bagets.

But most importantly, tinuturuan ni Pokwang ang anak na lumaking bitbit ang kulturang Pinoy kahit Amerikano ang ama nito.

Napag-usapan na raw nila ni Lee ang ganitong pagpapalaki kay Malia at aprub naman ito sa kanya. Ronnie Carrasco III