Pokwang, sinelebreyt ang bday ni Lee, nagkabalikan na?

Pokwang, sinelebreyt ang bday ni Lee, nagkabalikan na?

October 1, 2022 @ 11:43 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Are they back in each other’s arms?

Ito ang nagkakaisang tanong ng mga netizens matapos bigyan ni Pokwang ng isang simpleng birthday celebration ang kanyang estranged husband na si Lee O’Brian.

Lee celebrated his 47th birthday last September 29.

Naganap ito sa bahay ni Pokwang kung saan makikitang pumapalakpak habang kinakantahan niya at ng panganay na anak na si Mae ng happy birthday song si Lee.

Feeling naman ng anak nina Pokwang at Lee na si Malia, na siya ang may kaarawan.

The cute little girl was the one who blew the birthday candle for Lee.

Matatandaang July this year when Pokwang finally ended speculations that she and Lee separated.

Inamin ng Kapuso artist na noong November 2021 pa sila nagdesisyon na maghiwalay ni Lee.

Hindi naman pinagkakaitan ng visitation rights ni Pokwang si Lee kay Malia.

Sa katunayan, it was after their breakup when Lee shared a few photos of his US trip with Mae and Malia para makilala ang kanyang partido.

Tanging ang malapit na kaibigan ni Pokwang na si K Brosas claimed she was privy to the Pokwang-Lee separation all along.

As they are now, wish ng mga netizend na magkabalikan ang estranged couple. Ronnie Carrasco III