Poland, kailangan ng karagdagang Pinoy na mangagawa

Poland, kailangan ng karagdagang Pinoy na mangagawa

July 29, 2018 @ 2:38 PM 5 years ago


 

Warsaw, Poland – Nangangailangan ng Pinoy na mangagawa ang Poland dahil sa tumataas na bilang ng labor shortage na lubhang nakaaapekto sa ekonomiya, ayon sa senior official kahapon (July 28).

“We are on course to conclude an agreement. I hope that in the autumn we will be able to at least sign a preliminary accord” sa mga awtoridad ng Pilipinas, ani Deputy Labor Minister Stanislaw Szwed ayon sa ulat ng PAP news agency.

Binigyang diin pa ni Szwed na ang Poland at Pilipinas ay parehong Roman catholic countries at mayroong pagkakapareho sa kultura.

Partikular na hinahanap ng bansa ang mga kwalipikadong mangagawa na IT, medical worker at construction worker.

Ayon sa analyst forecasts, sa taon na 2010, ang Poland ay magkukulang ng nasa 4 million manggagawa bilang resulta ng emigration ng sarili nitong mga mangagawa sa ibang bansa sa EU at kakulangan na rin sa birth rate.

Sa kasalukuyan, umaasa lamang ang Poland sa kalapit ntong bansa na Ukrain para punan ang kakulangan sa mangagawa kung saan milyon-milyong Ukrainians ang nasa bansa at 300,000 pa ang inaasahang madadagdag sa susunod pang mga taon. Remate News Team